Bawal nang maglagay ng expiry date o petsa ng pagpapaso ng mga gift check na kadalasang ipinapamahagi tuwing Pasko.
Ito ay matapos lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 109621 o An Act Regulating the Issuance, Use and Redemption of Gift Checks.
Nakasaad sa Section 2, declaration of policies ng Gift Check Act of 2017 na polisiya ng estado na protektahan ang interes ng consumers, magtakda ng mga pamantayan sa pagnenegosyo at isulong ang kapakanan ng lahat.
Maliban sa expiry date, ipinagbabawal din sa batas ang hindi pagkilala sa hindi nagamit na value o halaga, credit o balance sa gift check.
Matatandaang niratipikahan ng Senado ang bicameral conference committee report hinggil sa panukalang batas na nagbabawal sa expiration date sa mga gift check.
Alinsunod sa bill, papatawan ng kalahati hanggang isang milyong pisong multa ang mga lalabag sa unang offense.
Para naman sa second offense, sususpendehin ng tatlong buwan ang issuance ng gift check ng sinumang lumabag.
Habang sa 3rd offense, bilang karagdagan sa multa, pagbabawalan na ang violator na maglabas ng gift check.