Hindi feasible o magagawa ang panukalang i-convert ang EDSA at C5 bilang one-way circumferential highways.
Ipinabatid ito ni Engr. Alberto Suansing, DOTr Adviser matapos ang mga simulations na isinagawa para malaman kung epektibo ang plano na italaga ang lahat ng EDSA lanes para sa Southbound motorists at C5 sa mga motoristang pa Northbound.
Ayon pa kay Suansing kailangang tingnang mabuti ang travel pattern ng mga dumadaang sasakyan sa EDSA o kung saan sila papunta sa kanluran o silangan ng EDSA.
Kailangan din aniya ang konstruksyon ng radial roads para maayos na maipatupad ang nasabing scheme.
Kasabay nito isinulong ni Suansing ang pag reorganize ng ruta ng mga pampublikong bus para maiwasan ang gridlock sa EDSA.
Tiniyak naman ni Suansing ang patuloy na paghanap ng solusyon ng DOTr at MMDA para sa major chokepoints sa EDSA.