Kapwa niratipikahan na kahapon ng Senado at Kamara ang Bicameral Conference Committee Report ng panukalang 3.7 Trillion Peso General Appropriations Act para sa taong 2018 kasabay ng pag-apruba ng Bicam sa reconciled version ng proposed national budget.
Ayon kay Senador Loren Legarda, Chairperson ng Senate Finance Committee, magiging malaking tulong ang 2018 budget sa pagtiyak na mapananatili ng Pilipinas ang status bilang isa sa fastest growing economies ng asya.
Inihayag naman ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles, inaasahan niyang maisasabatas ang national budget sa mismong araw o bago mag-Disyembre 19, na itinakdang deadline ng Kongreso.
Kabilang sa mga nakapaloob sa panukalang budget ay ang dagdag na cash allowance para sa public school teachers mula 2,500 hanggang 3,500 Pesos na may alokasyon na 770 Million Pesos;
Increase sa basic pay ng mga pulis at sundalo na may allocated na 63 Billion Pesos maging ang pagbili ng body cameras para sa mga PNP members na nagkakahalaga ng 334 Million Pesos.