Isinusulong ngayon sa kongreso ang panukala na mabigyan ng P1,500 allowance kada buwan ang mga guro para sa internet connection.
Nakapaloob ito sa House Bill 7034 na inakda ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro.
Ayon kay Castro, dapat lamang na magmula sa pamahalaan ang lahat ng kakailanganin ng mga guro para sa bagong sistema ng edukasyon na blended learning.
Pinuna ni Castro na bukod kasi sa internet connection, marami pang guro ang problemado dahil sa kakulangan ng gadgets na gagamitin sa kanilang pagtuturo sa pamamagitan ng blended learning.