Isinalang na sa bicameral conference committee ang panukalang P3.7 trillion national budget ng gobyerno ngayong taon.
Sa naging pagpupulong sa Makati City kahapon, tumagal ng 40 minuto ang pag uusap ng mga senador at kongresistang miyembro ng bicameral conference committee.
Dito ay inilatag ang mga ground rules gaya ng pag-gamit sa 2019 national expenditure bilang point of reference sa magiging talakayan.
Nangako rin ang mga mambabatas na susubukang pagkasunduan ang mga amendments na ginagawa sa kani-kanilang bersyon ng naturang panukala tulad ng pagtanggal ng mga senador sa sinasabing mga
Pork insertion sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Interior and local Government (DILG).