Sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 3.7 trillion na pambansang pondo para sa taong 2018.
Sa ipinadalang liham kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ipinaliwanang ng Pangulong Duterte ang kahalagahang maipasa agad ang House Bill 6215 o panukalang batas na maglalaan ng pondo para sa bansa mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2018.
Sinabi ng Pangulo na mahalagang mag tuloy – tuloy ang operasyon ng gobyerno pagkatapos ng kasalukuyang taon.
Maliban dito, layunin nito na mapabilis ang pagpondo sa iba’t ibang programa at proyekto ng pamahalaan sa 2018 at tiyakin ang kahandaang pinansyal ng gobyerno para maipatupad ang mandato nito sa konstitusyon.
Sa ngayon, patuloy ang deliberasyon ng Kamara sa national budget para sa 2018 at inaasaang maaaprubahan ito sa ikalawang pagbasa mamayang gabi.
Ulat ni Jill Resontoc
______