Nakatakdang ihain sa kongreso sa August 22 ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang panukalang nasyonal budget para sa 2023.
Ayon kay Amenah Pangandaman, kalihim ng Department of Budget and Management, nagpapasya ang Administrasyong Marcos na i-adopt ang budget ceiling na itinakda ng Administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, susundin ang P5.2 Trillion na panukalang pondo para sa 2023.
Alinsunod sa Section 22 ng Article 7 ng batas, kailangan ipasa ng Pangulo ang panukala nitong budget sa kongreso, 30 araw mula nang buksan ang regular nitong sesyon.
Sa July 25 nakatakdang magbukas ang 19th Congress, na siyang State of the Nation Adress ni PBBM.
Kaya may hanggang August 24 ang mga mambabatas na magpasa ng panukalang pondo para sa 2023.
Ang mga sektor na pagtutuunan sa proposed 2023 National Budget ay ang Agricultural and Food Security, Climate Change Adaptation, Economic Recovery, pagpapabuti sa Healthcare and Education, Imprastruktura at iba pa.