Suportado ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang panukala ng Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU – TUCP) na P500.00 cash voucher sa lahat ng mga kumikita ng minimum bilang subsidiya.
Ayon kay Bello, kanilang ikinukunsidera ang nasabing panukalang subsidy na posible anilang kunin mula sa pondo ng Conditional Cash Transfer (CCT).
Gayunman, sinabi ni Bello na nakadepende pa rin ito sa mapagkakasunduan ng mga economic adviser ng pamahalaan at ng Department of Budget and Management o DBM.
Matatandaang ipinanukala ng ALU – TUCP ang P500.00 financial subsidy mula sa pamahalaan para makatulong sa mga minimum wage earner na maka-agapay sa nakaambang pagtataas ng mga pangunahing bilihin dulot ng bagong tax reform program.