Lusot na sa ikalawang pagbasa ang panukalang layong pababain ang optional retirement age ng mga kawani ng pamahalaan sa 56 na taong gulang mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.
Layon ng House Bill Number 5509 na mas maramdaman at ma-enjoy pa ng lubusan ng mga retiradong empleyado ang kanilang buhay kasama ang pamilya.
Gayunman, mananatili pa rin sa 65 years old ang mandatory retirement age ng mga kawani ng pamahalaan.