Pabor ang mga kumpanya ng langis sa pagtanggi ng Department of Energy (DOE) sa panukalang mag-imbak ang Pilipinas ng petrolyo habang mababa pa ang presyo nito sa World Market.
Ayon sa Flying V, hindi naman matitiyak kung hanggang kailan mag-iimbak ang bansa ng petrolyo tulad nang ginagawa ng Japan at Estados Unidos.
Naniniwala naman ang kumpanyang PTT na mas mabuting pairalin pa rin ang market forces at hayaan ang kumpetisyon ng mga pribadong kumpanya.
Sa panig naman ng Shell Philippines, sinabi nitong pangunahing problema ang storage facility sa pag-iimbak ng petrolyo kayat mas mabuting pagtuunan na lamang ng pansin ng gobyerno ang iba pang problema ng bansa tulad ng edukasyon at trabaho.
Una nang inihayag ng DOE na malaking halaga ang kakailanganin para sa pagpapatayo ng mga pasilidad na pag-iimbakan ng petrolyo.
By Judith Larino