Hindi umano dapat i-asa lang sa law enforcement ang solusyon sa problema ukol sa juvenile delinquency.
Ito ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng usapin ukol sa pagbaba ng age of criminal liability.
Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, dapat pag-aralan ang nasabing panukala ng academe, mga institusyon at mga ahensya ng gobyerno.
Sinabi ni Albayalde na maaari rin aniyang ang mga batang nagkasala ay biktima rin ng mga matatanda o kahit pa ang kanilang mga magulang na ginagamit sila sa iligal na gawain kaya dapat din maparusahan ang mga ito.