Nakatakda nang talakayin sa plenaryo ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan o death penalty sa bansa
Ito’y makaraang lumusot na sa house committee justice ang committee report makaraang paboran ng labindalawang miyembro ng komite, anim ang tumutol habang isa ang nag-abstain
Kabilang sa mga henious crime na saklaw ng nasabing panukalang batas ay ang mga sumusunod:
Treason; qualified piracy; qualified bribery; parricide; murder; infanticide; rape; kidnapping with serious illegal detention; robbery with violence or intimidation of persons; destructive arson at plunder
Kabilang din ang pag-aangkat, pagbebenta, paggawa, pag-iingat at pamamahagi ng iligal na droga; pagmamantina ng drug den; pagpapatubo ng mga halamang ikinukonsiderang iligal na droga; pagrerecycle ng mga nahuling droga; pagtatanim ng ebidensya at carnapping
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, may-akda ng nasabing panukala, target nilang maipasa ang death penalty bill bago ang kanilang Christmas break sa Disyembre a-katorse.
By Jaymark Dagala