Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang nagbabawal sa paglalagay ng expiry date sa gift checks, gift certificates o gift cards.
Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri may akda ng Senate Bill 1466 ang gift certificate o gift checks ay good as cash o binayaran na ng pera na walang expiry date kayat dapat ay wala ring expiry date ang mga GC.
Nakasaad pa sa panukala ang pagbabawal sa pagtanggi ng merchants na kilalanin ang mga unused value, credit o balance stored sa GC.
Sinumang lalabag dito ay mahaharap sa multang mula 50,000 piso hanggang 1 milyong piso.
Hindi naman saklaw ng bill na ito ang gift cheks na iniisyu sa customers “under loyalty, rewards or promotional programs na dumadaan sa pag apruba ng Department of Trade and Industry o DTI at maging coupon at vouchers.
By Judith Larino / (Ulat ni Cely Bueno)