Tiwala si Deputy Speaker Bernadette Herrera na hindi patatagalin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda sa panukalang pagbabawal sa child marriage sa bansa.
Ito’y matapos maratipikihan ng Kamara ang reconciled version ng panukalang “An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage”.
Giit ni Herrera, maituturing na pang-aabuso sa mga kabataan ang practice na ito ng child marriage.
Batay sa 2017 State of the World’s Children report ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), pang 12 na ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinaka-maraming kaso ng child marriage.