Inihayag ng Palasyo na tila maaga ang paglutang ng panukala ng Commission on Elections (Comelec) na ipagbawal ang pagsasagawa ng face-to-face ng pangangampanya ng mga gustong kumandidato sa susunod na eleksyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, kanilang iginagalang ang panukala ng Comelec dahil sa pagiging constitutional body nito.
Pero giit ni Roque, maaga pa ang naturang panukala dahil nasa gitna ang bansa sa paghahanda para sa gagawing vaccination program kontra COVID-19.
Kasunod nito, ani Roque, sa ngayon, mas makabubuting magmasid muna ang election body kaugnay sa vaccination program ng pamahalaan, dahil posibleng bumaba ang takot nito kung malaking populasyon ng bansa ang mababakunahan nito.