Suportado ng Department of Health (DOH) ang panukala ng National Task Force against COVID-19 na ganap nang ipagbawal ang pagsasailalim sa home quarantine ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at kanilang mga close contacts.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas maraming nangyayaring community transmission sa mga lugar kung saan pinipili ng mga COVID-19 patients ang mag-home quarantine.
Ito aniya ang dahilan kaya mas nais ng pamahalaan na mag-isolate sa mga temporary treatment and monitoring facility ang mga symptomatic at kanilang mga close contact.
Una rito, inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagbabawal sa home quarantine na posibleng ipatupad na aniya ngayong linggo.