Pasado na sa ikalawang pagbasa ng mababang kapulungan ang panukala para mabigyan ng prangkisa ang subsidiary ng San Miguel Corporation (SMC) para sa itatayo nitong airport sa Bulacan.
Sa ginawang viva voce voting, nakalusot ang House Bill 7507 na naglalayong magkaloob ng prangkisa sa San Miguel Aerocity Inc., para sa pagtatayo, pagde-develop at pag-o-operate ng higit sa 2,000 ektarya ng New Manila International Airport.
Alinsunod sa panukala, hindi sisingilin ng direct at indirect taxes ang SMC sa susunod na 10 taon.