Lusot na sa House Committee on Appropriations ang House Bill 6770 o ang Internet Voting Bill na substitute bill ni OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, na una nang inaprubahan ng committee on suffrage and electoral reforms noong Agosto nang nakaraang taon.
Layon ng panukala na bigyang daan ang mga Overseas Filipino Worker na magamit ang kanilang karapatan sa pagboto habang nasa ibang bansa.
Dahil na rin ito sa hamong kinakaharap ng OFWs sa pagboto kada eleksyon dahil sa oras at layo ng kanilang trabaho sa mga lugar kung saan pwedeng makaboto.
Target din nito na suportahan ang inisyatiba ng Commission On Elections (COMELEC) na ipakilala ang internet registration at voting sa mga ofw sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal na batayan para dito.
Una nang nanawagan si rep. Magsino sa mga OFW na magparehistro na para sa 2025 national elections, na isasagawa via internet voting sa 76 na foregin posts. – sa ulat mula kay Agustina Nolasco ( Patrol 11)