Pumayag na ang mga Transport Network Company (TNC) sa sapilitang pagbubukas ng mga package ng mga sender bago ideliver upang maiwasan ang illegal drugs trade sa pamamagitan ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Ang mandatory opening ng packages ay isa sa mga probisyon ng memorandum of understanding na nilagdaan ng mga TNC, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay PDEA Chief, Director General Aaron Aquino, kahit anong package ay dapat buksan sa harapan mismo ng drayber ng mga TNVS tulad ng Grab at Uber, at kailangang makuha ang identification ng sender.
May karapatan din aniya ang mga tsuper na tumanggi kung tatanggi ang magpapadala na ipakita ang nilalaman ng kanyang package.