Isinusulong ni Senator Cynthia Villar ang pagbuo ng Boracay Island Development Authority (BIDA) upang mapanatili ang ginagawang rehabilitasyon sa isla.
Sa ilalim ng senate bill 1914, layunin din ng nasabing panukala na palakasin ang umiiral na environmental laws sa isla para maiwasan ang pagwawalang bahala dito ng mga tao.
Ginawa ni Villar ang panukala bilang tugon sa rekumendasyon ng Boracay Inter-Agency Task Force sa ilalim ng tanggapan ng pangulo para sa long term sustainability at rehabilitation sa isla.
Bubuo sa bida ang iba’t ibang kagawaran tulad ng DILG, Tourism Department, DPWH, DOJ, Aklan governor, Malay mayor, mga ex-officio member, itatalagang general manager at dalawa pa mula sa pribadong sektor.