Bibigyang prayoridad ng kamara ang pagkakapasa ng panukala para sa pagbuo ng isang medical reserve corps.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, ang pagkakaroon ng medical reserve corps ay makatutulong para tugunan ang kakulangan sa medical workforce tuwing may national emergency tulad ng nararanasan ngayon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa panukala, kakailanganin ng pamahalaan ang serbisyo ng mga nagtapos ng medisina, nursing, medical technology at iba pang health-related fields na hindi pa nakakakuha ng lisensya dahil sa iba’t ibang kadahilanan tuwing mayroong national emergency.