Lusot na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagbuo ng National Transportation Safety Board.
Layon ng Senate Bill no. 1077 o National Transportation Safety Board Act na bumuo ng isang lupon na tututok sa imbestigasyon sa mga air, highway, railroad, pipeline at maritime accident.
Ayon kay Sen. Grace Poe, chairperson ng Public Services Committee, kapag dumaan ang lahat ng mga aksidente sa masusing imbestigasyon, maiiwasan muli ang pagkakaroon ng mga ganitong klase ng insidente at mabibigyan ng hustisya ang mga biktima at naulila nito.
Tungkulin rin ng NTSB ang magsagawa ng mga pag-aaral para maging ligtas ang transport sector at tutulungan ang gobyerno sa pagbuo ng mga polisiya at regulasyon para hindi maulit ang ma aksidente.
Batay sa tala ng Metro Manila accident and recording analysis system ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), may 116,906 road accidents ang naitala noong 2018 o katumbas ng 320 aksidente kada araw at 13 aksidente kada oras.