Malamig ang Malakanyang sa panukalang bumuo ang pamahalaan ng task force na mangangasiwa sa isinasagawang rehabilitasyon sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Quinta at Rolly.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala silang nakikitang mabigat na pangangailangan para bumuo pa ng task force.
Ani roque, personal na tinututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtiyak sa agad na pagpapatupad ng rehabilitation efforts sa mga lugar na matinding sinalanta ng 2 malakas na bagyo.
Bukod pa rito, tiniyak ni Roque na nakahanda ang pamahalaan kung saan una nang nai-puwesto ang mga kagamitan ng dpwh gayundin ang mga food packs.
Noong Lunes, iminungkahi ni Camarines Sur Representative Luis Raymund Villafuerte ang pagbuo ng task force na tututok sa rehabilitasyon ng mga lugar sa Bicol na labis na naapektuhan ng 2 nagdaang bagyo.