Inaprubahan na sa Senado ang paggawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘Quezon Service Cross Award’ kay dating Senador Miriam Santiago.
Nakapasa ang Senate Concurrent Resolution No. 8 nina Senador Grace Poe at Sonny Angara nang walang objection.
Ang Quezon Service Cross Award ang pinaka – mataas na parangal na ibinibigay sa isang sibilyan na iginagawad ng Pangulo na may approval ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso.
Matatandaang sinabi ni Poe na dapat lamang gawaran ng nasabing parangal ang kapwa senador dahil sa pagiging ‘napakatalino’ at ‘napakahusay na public servant’.
Si Santiago ang magiging pinaka – una – unahang babaeng gagawaran ng Quezon Service Cross Award, na una nang ibinigay sa limang (5) public figures simula nang nilika ito.
Kabilang dito sina dating DILG Secretary Jesse Robredo, Senador Benigno Aquino Jr., Pangulong Ramon Magsaysay, Pangulong Emilio Aguinaldo, at dating UN General Assembly President Carlos Romulo.