Tinutulan ng ‘Magnificent 7′ ang panukala ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na Philippine Legislative Police o sariling security para sa mga mambabatas.
Ayon kay Congressman Edcel Lagman walang pangangailangan o clamor mula mismo sa mga mambabatas para magkaroon ng hiwalay na police force para sa Kongreso.
Sinabi pa ni Lagman na kahit kailan ay hindi niya ginamit ang pribilehiyo nilang mga mambabatas na humingi ng hanggang dalawang security.
Ipinabatid ni Akbayan Party-List Representative Tom Villarin na hindi makatuwiran ang hakbang na nagbibigay din ng maling senyales sa taumbayan lalo’t mataas ang kaso ng impunity sa bansa.
Inihayag naman ni Magdalo Party-List Representative Gary Alejano na dagdag-gastos lamang ito para sa gobyerno dahil nagiging duplication lamang ito ng tungkulin ng mga pulis.
Ulat ni Jill Resontoc