Humingi ng suporta si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga kapwa nitong senador para sa panukalang batas na layong magtayo ng quarantine facility sa bawat rehiyon sa bansa.
Paliwanag dito ni Go na siya ring chair ng committee on health ng senado, oras na maging batas ito, hahanap ng lugar ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagtatayuan ng quarantine facility sa tulong ng ilang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ilang mga local government units (LGUs).
Dagdag pa ni Go, DOH ang siyang mangangasiwa sa magiging kabuuang operasyon ng mga quarantine facilities.
Nauna rito, inihain ni Go ang Senate Bill No. 1529 o mandatory quarantine facilities act of 2020 nitong ika-13 ng Mayo na layong ihiwalay sa iba ang pasyenteng maaaring tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ilagay ito sa mga naturang pasilidad nang hindi na ito makahawa pa.