Pinagtibay na ng kamara ang panukalang pagkalooban ng Filipino citizenship ang Ginebra resident import na si Justin Brownlee.
Para ito sa paglahok ni Brownlee sa Gilas Pilipinas, na lalaban sa 2023 FIBA World Cup sa Pebrero ng susunod na taon.
Sa House Bill 6224 o panukalang naturalization ni Brownlee, 274 na kongresista ang bumoto ng pabor, walang tumutol at isa ang nag-abstain.
Pinuri naman ni House Speaker Martin Romualdez ang naging desisyon ng mababang kapulungan, upang maging ganap na pilipino ang basketbolista at maging kinatawan ng pilipinas sa pamamagitan ng pagiging miyembro ng Gilas Pilipinas.