Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang batas na nag-oobliga sa pamunuan ng mga parking establishment na maglagay ng CCTV cameras sa kanilang lugar.
Walang naging pagtutol sa panig ng mga mambabatas ay inaatasan nito ang mga establisyemento na gawin ang gayung hakbang bilang bahagi ng kanilang safety standards.
Sa ilalim ng nasabing panukala, maliban sa pagkakabit ng CCTV, obligado na rin ang mga parking operators na maglagay ng security guards, karagdagang entrance at exit booths, gayundin ang iba pang safety standards.
Sakaling mapatunayang lumabag ang establisyamento, papapanagutin ito sa ilalim ng batas lalo na sa sandaling mapinsala ang sasakyan habang nakaparada.
Maaari ring iregulate ang sinisingil na parking fees ng mga parking establishment upang proteksyunan ang publiko laban sa hindi makatuwirang pagsingil.