Naghain si Senador JV Ejercito ng panukalang batas para sa mandatory installation o pagkakabit ng dashboard camera sa mga pampublikong sasakyan, mga patrol car ng pulisya at iba pa.
Sa ilalim ng Senate Bill Number 1457 ni Ejercito, iginiit nito na ang hakbangin ay may mahalagang gampanin sa pagresolba sa mga nangyayaring aksidente at krimen sa mga lansangan kung saan noong 2016, nakapagtala ang Metro Manila accident recording and analysis system ng mahigit isandaang libong vehicular accident sa National Capital Region.
Binigyang-diin ni Ejercito na ang pagkakabit ng dashboard camera sa mga pampublikong sasakyan at government vehicles ay malaking maitutulong sa kaayusan sa sitwasyon sa mga kakalsadahan at mababawasan ang paglabag sa mga batas-trapiko.
By Meann Tanbio
Paglalagay ng dashboard cam sa gov’t vehicles inihain sa Senado was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882