Lusot na sa committee level ng Kamara de Representantes ang panukalang paglikha ng kagawaran para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Tatawagin ang ahensya na Department of Filipino Overseas and Foreign Employment (DFOFE) imbis na ang naunang “Department of OFW”.
Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, hindi bibigyang pansin ng naturang kagawaran ang mga OFW na nasa abroad, mga nakabalik na sa Pilipinas, pamilya ng mga manggagawa sa abroad at lahat ng pilipinong nasa iba’t ibang bansa.
Aniya, ang Philippine Overseas Employment Administration ang magiging central body ng departamento.
Samantala, magiging attached agency naman ng DFOFE ang Commission on Filipino Overseas at Overseas Workers Welfare Administration.