Pinaboran ng House Committee on Housing and Urban Development ang panukalang ilipat ang mga ahensya ng gobyerno sa labas ng Metro Manila.
Ayon kay Committee Chair Albee Benitez Layon ng nasabing panukala na ma decongest ang Metro Manila at hindi matuon dito ang mga transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Nakapaloob sa nasabing panukala ang pagtatatag ng Administrative Capital City Planning Commission na siyang tututok sa paglilipat ng mga ahensya ng pamahalaan patungo sa labas ng NCR.
SMW: RPE