Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang House Bill 8986 o ang panukala na layong palitan ang pangalan ng terminal 1 at 2 ng Mactan-Cebu International Airport.
Sang-ayon sa naturang panukala, ang pagpapalit sa pangalan ng naturang paliparan ay bilang pagpupugay sa kabayanihan ng bayaning si Lapu-Lapu at kasabay din ng quincentennial anniversary ng pagkapanalo sa Mactan.
Oras na maisabatas ito papalitan ang pangalan ng paliparan sa Lapulapu Domestic Terminal at Lapulapu International Terminal.
Mababatid na kinilala si Lapulapu bilang kauna-unahang bayaning Pilipino na nakipaglaban sa mga mananakop.