Target ng kamara na maisumite at mapabilis ang pag-apruba sa panukalang nagpapalawig sa validity ng Bayanihan to Recover as One Act.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, magdodoble-kayod ang kamara para mapabilis ang pag-apruba sa mga panukalang tinukoy na priority bills para mapalakas ang ekonomiya ng bansa at maprotektahan ang mga Pilipino laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mga kalamidad.
Sinabi ni Romualdez na nakalatag na ang mga tututukan nilang panukala lalo na’t priority talaga ni House Speaker Lord Allan Velasco ang lahat ng economic at anti-poverty measures bago pa maging abala ang lahat sa election season sa susunod na taon.
Kabilang dito aniya ang house bill 7904 o mga amyenda sa anti-money laundering act, house bill 7425 o digital transactions value added tax, national disease prevention and management authority bill at national land use bill.