Lusot na sa Kamara ang panukalang pagpapalawig sa sakop ng Violence Against Women and Children (VAWC).
Sa botong 227 affirmative, zero negative at zero abstention, lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ang house bill 5869 o expanded anti-violence against women and their children act.
Nakasaad sa nasabing panukala ang pagsaklaw na sa mga porma ng karahasan sa kababaihan na nakabatay sa teknolohiya tulad ng stalking, pangha-harass sa text messages at chat at pagpapakalat ng video.
Kapag naging ganap na batas mahaharap sa 300 hanggang P500,000 ang multa sa mga lalabag dito.
Sa kasalukuyang batas hindi pa kasama ang electronic violence sa sakop ng batas laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan.