Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang palawigin pa ng isang buwan ang voter registration para sa 2022 Presidential at local elections.
23 Senador ang bumoto pabor sa Senate Bill 2408 na naglalayong i-urong sa Oktubre 31 ang voters registration mula sa kasalukuyang deadline na Setyembre 30.
Ayon sa mga Senador, dapat palawigin ang pagpaparehistro ng mga botante para maiwasan ang disenfranchisement ng mga boto.
Anila, marami ang gustong bumoto subalit hindi nabibigyan ng pagkakataon dahil sa sunud-sunod na lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno