Handa si Senate President Vicente Sotto III na i-donate ang kanyang sahod para matiyak na makatatanggap ng 13th month pay ang mga manggagawa sa pribadong sektor.
Inihayag ito ni Sotto kasunod ng anunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring ipagliban ng mga “in distress” na kumpanya ang pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga manggagawa.
Ayon kay Sotto, kung maaari ay huwag ipagkait ng mga kumpanya sa kanilang mga empleyado ang karapatan ng mga ito na makatanggap ng 13th month, kahit pa may nakasaad na exemption sa probisyon ng batas hinggil dito.
Binigyang diin pa ni Sotto, kailangang maging malinaw din ang pamantayan ng DOLE para masabi o matukoy ang mga kumpanyang “in distress”.
Sana ‘yung mga kababayan natin sana mabigyan, ‘yung sa amin o iba sa amin gusto mag-donate diba ‘yung 13th month month pay namin ibigay namin. Sa mga nangangailangan, so the Deparment of Labor and Employment o DSWD. Gagawin ko hindi tayo mahilig mag-yabang ‘yung mga sweldo namin o karamihan sa amin noong makaraan diba may panahon na mayroong na banggit na government officials na ibibigay raw ang 1/4 o 1/2 ng sweldo nila. Pero hindi kami humiimik kasi binibigay na namin ‘yung sa amin pero kapag sinabi namin baka sabihin sumasakay kami, kaya nga hindi namin sinasabi. ani Sotto — sa panayam ng DWIZ
Samantala, mahigpit namang tinututulan ni Senador Panfilo Lacson ang panukalang ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa ngayong taon lalu na’t obligado aniya ang mga ito alinsunod sa umiiral na batas.
Iginiit pa ni Lacson, dehado ang mga empleyado sa panukala dahil walang kumpanya ang magsasabing kumita sila ngayong panahon ng pandemiya.
Sa tingin ko ibigay pa rin kasi hindi lang employer ang nahihirapan, maraming manggagawa o employees ang nahihirapan. So ‘yung mga kinita ng mga employers noong nakaraang taon pwede naman siguro nilang isakripisyo para ituloy ang pagbibigay ng 13 month pay at matapos ng pandemya makaka- recope naman sila sa nawala sa kanila. Kasi lahat naman tayo nawalan walang magsasabi na kumita pwera nalang siguro ‘yung mga Grab, LalaMove syempre sila ang matawag ngayon. ani Lacson — sa panayam ng DWIZ