Kinuwestyon ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang panukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pagpapaliban sa pagbibigay ng 13th month pay ng mga manggagawa ngayong taon.
Ayon kay Elmer Labog, pinuno ng KMU responsibilidad ng gobyerno na tulungang makaahon ang maliliit na negosyo sa tignan ng mga sakuna tulad ng COVID-19 pandemic.
Hindi aniya makatuwirang hinahayaan pa ng gobyerno na malubog sa utang ang mga uring manggagawa.
Nakasaad sa Presidential Decree 851 na mandato ng mga employer ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga rank and file employees.