Mariing tinutulan ng National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) ang planong ipagpaliban ang 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon sa NAMFREL, ang naturang hakbang ay pagkakait ng gobyerno sa karapatan ng publiko para pumili ng gusto nilang opisyal na mamuno sa kani-kanilang barangay.
Giit pa ng grupo, kahit walang mandato mula sa mga botante ay mapapalawig ang termino ng mga kasalukuyang nakaupo sa pwesto.
Una rito, lumusot sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang batas para sa planong gawin sa December 2022 ang Barangay at SK elections.