Kumpyansa si Senate President Koko Pimentel na hindi makalulusot sa Senado ang kapapasa pa lamang sa committee level ng Kamara na panukalang pagpapaliban sa Barangay at SK Elections.
Paliwanag ni Pimentel , limang sesyon na lamang ang natitira bago ang kanilang lenten break sa Marso 21.
Muling magbubukas aniya ang sesyon pagsapit ng Mayo 14.
Dagdag pa ni Pimentel , marami pa itong pagdadaanan sakaling iakyat ang nasabing panukala sa Senado.
Bago ito madala sa plenaryo ay kailangan munang magsagawa ng mga pagdinig ang kaukulang komite na hahawak dito.
Ayon kay Pimentel , una na siyang inabisuhan ni Speaker Pantaleon Alvarez na ipapasa sa Kamara ang panukalang pagpapaliban sa Barangay at SK Elections.
-Cely Ortega-Bueno