Nakatakdang dalhin ngayong araw kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang panukalang batas kaugnay sa pagpapaliban ng Barangay at SK elections.
Ito’y makaraang magpasya ang mga mambabatas sa Kamara na i-adopt na lamang ang bersyong ipinasa ng Senado hinggil dito.
Ayon kay House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman at CIBAC Party-list Representative Sherwin Tugna, hindi na kailangan pang dumaan sa bicameral conference committee ang isang panukala kung ito’y kapwa pinapaboran naman ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Una nang inihayag ni House Majority Leader at Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas na pumayag na si Pangulong Duterte sa hold-over provision ng panukala para sa mga kasalukuyang opisyal ng barangay hanggang sa idaos ang halalan sa mayo ng susunod na taon.
—-