Lusot na sa committee level ng senado ang mga panukalang ipagpaliban muna ang nakatakdang dagdag kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).
Ang Senate Bills 1965, 1970 at 1996 na target pag-isahin ay layong bigyan ng kapangyarihan ang pangulo na pigilin ang paniningil ng SSS ng dagdag kontribusyon sa kanilang mga miyembro.
Kaugnay nito, nagbabala si SSS President Aurora Ignacio na kaugnay sa posibleng maging epekto sa SSS pension fund kapag hindi natuloy ang umento.
Paglilinaw pa ni Ignacio, hindi naman kasama sa sisingilin ng kontribusyon ang mga miyembrong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.