Suportado ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang panukalang batas na magpapalit sa pangalan ng mga ranggo sa pulisya.
Kasunod ito ng pagkakapasa sa ikalawang pagbasa sa kamara ng House Bill 5236 na layong itulad sa militar ang klasipikasyon ng mga ranggo sa PNP.
Kung maging batas ito, tatawaging patrolman ang mga kasalukuyang PO1 habang ang pinakamataas na ranggo na director general ay magiging police general.
Ayon kay Bato, sila mismo ang nagtulak ng panukalang ito sa kamara para hindi na malito ang mga tao sa kanilang mga ranggo.
Tiniyak naman ni Dela Rosa na hindi magbabago ang kanilang ‘civillian in character’ kahit pa kahalintulad na ng militar ang klasipikasyon ng kanilang ranggo.