Itutuloy ng Department of Tourism ang panukalang pagpapasara sa loob ng 60 araw ang Boracay island.
Kasunod ito pahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu na hindi pa siya handa na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasara ng ilang resort sa nasabing isla.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, nais niyang isagawa ang total closure simula Hunyo 1 hanggang Hulyo 1.
Iginiit ni Teo na ang naturang panahon ay maaring magamit ng mga resort owner para magsagawa ng improvement sa kanilang pasilidad at sundin ang itinakda ng batas.
Aminado si Teo na malaki ang peketo sa turismo at negosyo ng gagawing hakbang pero dapat din aniyang ikonsidera ang magandang idudulot nito kapag naayos na naturang isla.