Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagpapatayo ng Philippine Coast Guard (PCG) hospital.
JUST IN: Panukalang pagpapatayo ng Philippine Coast Guard (PCG) hospital, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte pic.twitter.com/PzAh8GOtEh
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 14, 2019
Layon ng naturang ospital na tugunan ang lahat ng pangangailangang medikal ng mga tauhan ng Coast Guard, mga sibilyang empleyado, kanilang mga kaanak maging mga retiradongoposuyal at empleyado ng PCG.
Isasagawa rin sa nabanggit na ospital ang medical examination ng lahat ng trainees o sinasanay ng PCG, pagmonitor ng kondisyon ng mga pasyente at paglika nang nauugnay na impormasyon para sa pagbuo ng mga polisiya.
Samantala, magmumula naman sa General Appropriations Act ang pondong gagamitin para sa PCG hospital.