Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang suspendihin ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections mula Oktubre 23, 2017 patungong ikalawang Lunes ng Mayo 2018.
Kasunod na rin ito ng 212 ‘Yes’ vote at 10 ‘No’, habang wala namang abstentions.
Ang House Bill 6308 ay consolidation ng limang iba pang bill at isang resolusyon hinggil sa pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Sa ilalim din ng nasabing panukala, ang mga kasalukuyang barangay officials ay nasa hold over positions hanggang mapalitan sila matapos ang eleksyon sa susunod na taon.
Pagkatapos ng May 2018, ang susunod na eleksyon ay isasagawa sa tuwing ikalawang Lunes ng May 2020 at pagkatapos nito ay idaraos kada tatlong taon.
Ulat ni Jill Resontoc
_____