Nilinaw ng Department of Finance na hindi layunin ng panukalang Excise Tax Adjustment sa mga sasakyan na resolbahin ang traffic congestion sa Metro Manila at iba pang urban center.
Ayon kay Finance Assistant Secretary Paola Alvarez, hindi naman saklaw ng kanilang kagawaran ang pagresolba sa matinding traffic dahil ang target nila ay itaas ang government revenue.
Hindi anya totoong magmamahal ng sobra ang mga sasakyan dahil i-a-adjust lamang ang Auto Excise Tax o dagdagan ng 4 percent.
Sa orihinal na panukala, ang tax sa entry-level cars na nagkakahalaga ng 600,000 Pesos pababa ay itataas sa 5 percent mula sa kasalukuyang 2 percent pero binago ito ng kagawaran.
By: Drew Nacino