Suportado ni Senador Juan Miguel Zubiri ang panukalang itaas ang budget ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa susunod na taon para sa procurement ng mga bagong baril, protective gear at behikulo.
Komporme si Zubiri na mula sa P1.01 bilyon ay maitaas sa P1.2 bilyon ang pondo ng PDEA para mapahusay ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.
Inirekomenda rin ni Zubiri na maitaas ang budget ng intelligence gathering at operations ng PDEA at mag-hire ng karagdagang PDEA agents para makabuo ng anti-drug team sa bawat probinsya at siyudad.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 19) Cely Bueno