Tiniyak ni Senador Sherwin Gatchalian na mayroon nang pagkukuhanan ang pondo na gagamitin para sa panukalang pagtataas ng sweldo ng mga guro sa bansa.
Ayon sa senador, ang P54B na gagamitin sa pay hike ay pwedeng makuha sa P95B pork barrel na i-vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget.
Maaaring tumaas ng dalawang salary grade ang sweldo ng mga public school teachers kung maipatutupad ito.
Kailangan lamang na magpasa ng supplemental budget hinggil sa paggamit ng naturang pondo.
Matatandaang ang 95B pork barrel ay para dapat sa higit 2,000 proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).