Aprubado na sa House Ways and Means Committee ang House Bill 1616 o panukalang batas na nagtatanggal sa VAT o Value Added Tax sa singil sa system loss sa kuryente.
Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, may-akda ng panukala, magandang hakbang ito dahil mababawasan na ang bayarin ng mga konsyumer sa kuryente kapag tuluyan na itong naisabatas.
Giit ni Zarate, kalokohan lamang ang singil na VAT sa system loss dahil hindi naman ito nagagamit ng mga konsyumer.
Batay sa pagtaya, ang system loss ay walong porsyento ng bill sa kuryente ng bawat konsyumer kada buwan.
—-