Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang resolusyon na magiging daan para maiangat ang “base pay” ng uniformed personnel sa gobyerno.
Sa botong 167 ang sumang-ayon samantalang apat naman ang bumoto sa hindi sang ayon.
Sakop ng naturang resolusyon ang lahat ng military personnel sa ilalim ng Department of National Defense, Department of the Interior and Local Government, Philippine Coast Guard at National Mapping and Resource Information Authority.
Nabatid na ang increase sa base pay ng sundalo, pulis, bumbero at jail guards ay mangangailangan ng 63. 4 billion Pesos na pondo.